1. Tue, Jun. 01, 2010    

    JUNE Na.

    Naaalala nyo pa ba ang biro na:
    “Bakit maraming nagpapakasal tuwing june?”

    “…Bakit?”

    “Kasi BUWAN NG PASUKAN!

    May pagka-berde ang dating hindi ba? Ngunit kung tutuusing mabuti, ang buwan ng Hunyo ay isang napakalaking parte ng buhay ng mga tao. Pagdating ng Hunyo, siguradong butas na naman ang mga bulsa ng ating mga magulang. Enrollment na naman! Gastos na naman, hindi pa nga tayo umuunlad, gastos na naman!

    Sa mga magpapakasal naman, ito ang pinakaaasam nilang kaganapan sa kanilang buhay. Ang ikasal. Isang seremonyas na magbubuklod sa dalawang nilalang na nag-iibigan. Masayang gawing ang pagpaplano nito lalo na kung ang iyong kasama sa pagpaplano ay ang iyong asawa.

    Pero sa dinami-dami ng mga kaganapan tuwing Hunyo, wala atang makakatalo sa araw ng pasukan! Balik eskwela na naman lahat ng mga bata, teenagers, matanda at ang mga guro. Madalas excited ang mga estudyanteng pumasok. Bakit kamo? Marahil ay sa mga sumusunod na dahilan:

    1.)BAON!
    Syempre! ito ang pinakaunang dahilan kaya masayang pumasok, may baon ka! makakapag-ipon ka at mabibili mo ang gusto mo. Madalas ito nalang ang natatanging dahilan kung bakit gusto mo pang pumasok.

    2.) Kaibigan
    Syempre naman, ipagpapalit mo ba ang baon mo sa mga kaibigan mo? Kung ako, mas pipiliin ko ang mga kaibigan ko… MAY BAON NAMAN SILA EH! (biro lang!) Syempre ito ang mga panahong makikita mo ulit ang mga kaibigan/kadaldalan/kakulitan/kainuman mo! Tiyak na marami kang baon na kwento para sa kanila na galing pa sa probinsya o mga lugar na pinuntahan mo.

    3.) Walang magawa sa bahay
    May tatalo pa ba sa sobrang pagkabagot sa bahay? Tipong kung makakapaglakad lang ang mga paa mo na nakahiwalay sa iyong katawan ay nangyari na ito. Sa eskwelahan, kahit nag-aaral ka, hindi boring ang buong pananatili mo doon. May mga ibang klase nga lang tayo na kailangan nating magtiis ng mga isa hanggang dalawang oras na pagkabagot, PERO AYOS NA YON! MAS MABUTI NA YON KAYSA SA BUONG ARAW! Sa eskwelahan, madami kang pagkakaabalahan.

    4.) CRUSH! <3
    Syempre ba naman, kakalimutan mo ba ang liwanag ng iyong daan? Alam kong sabik na sabik ka rin na masilayan ang taong kumukumpleto ng araw mo. Tipong mapadaan lang eh maiibsan na lahat ng kadramahan mo sa buhay. Isang napakabisang gamot sa kalungkutan ang masilayan ang iyong crush. Huwag nga lang titigan ng matagal at baka ikaw ay pag-isipan ng hindi makatarungang pang-aasume. HAHA

    5.) Boy/Girl Hunting
    Kadalasan ang biktima dito ay ang mga freshmen. Di natin maiiwasan na ang mga Higher years ay mag-expect sa papasok na batch. Syempre bagong taon, bagong buhay! Kailangan nang maka-move on sa nakaraan at maghanap na ng prospek! haha! Bakit ba, tinitignan lang namin ang magagandang nilalang na nilikha ng tagalikha! :)) Tsaka madalas ang mga nagiging prospek dito ay tumatagal lamang ng mga isa o hanggang dalawang buwan kapag wala pang nangyayaring interaksyon sa isa’t isa. :))

    …. Napansin nyo siguro na pinag-uusapan natin ang pasukan ngunit wala ang pag-aaral sa mga DAHILAN. Mahirap mang isipin ngunit sa tingin ko ay may porsiyento lamang ang pag-aaral. Ikaw ba ay gaganahan kapag masungit ang guro? paano kapag boring ito? Ang pag-aaral ay interesante lamang kapag interesante din ang guro at ang paksang tinuturo nito.

    Pero sa kabila ng lahat, huwag nating pabayaan ang pag aaral, ito ang magiging susi natin sa magandang kinabukasan. Ito ang magpapayaman satin at ang magbibigay ng limpak-limpak na salapi, kaligayahan, fulfillment, at karangalan. WALA NANG IBA.

    Salubungin natin ang hunyo ng may mga ngiti sa ating labi. :)

    ECSDL 2010™

    (ngayon ay makakatulog na ko, salamat sa nagbigay ng idea. kilala mo na ang sarili mo hehe)



  2.